SAN SALVADOR, El Salvador (AP) – Umagos ang mahigit 900,000 gallon ng molasses sa ilog ng El Salvador malapit sa hangganan ng Guatemala, nagdulot ng mabahong amoy sa tubig at pagkamatay ng mga hayop.
Inanunsiyo ng Environmental Ministry ang tatlong buwang emergency nitong Lunes dahil sa pag-agos ng molasses sa Santa Ana department halos 78 kilometro ang layo mula sa kanluran ng kabisera.
Sinabi ni Environmental Minister Lina Pohl na kapabayaan ng sugar producer na Ingenio La Magdalena ang dahilan ng spill noong Huwebes. Ang molasses, byproduct ng pagpoproseso ng asukal mula sa tubo, ay nagpapababa sa oxygen level, na ikinamamatay ng mga isda, hipon at talangka.