Hinimok ng isang waste at pollution watchdog ang mga kandidato na lumabas sa mga lansangan ngayong Martes at pangunahan ang pag-aalis ng mga campaign material at muling gamitin ang anumang maaari pang pakinabangan o mai-recycle.

“Candidates must show their sense of environmental responsibility and sportsmanship by taking the initiative of clearing the streets of campaign materials regardless of the poll results,” sabi ni Aileen Lucero, coordinator ng EcoWaste Coalition.

“We appeal to all candidates and their supporters to dedicate May 10 for the much-needed post-campaign clean-up,” sumamo niya.

Kasabay ng pagsusulong sa agarang post-campaign clean-up, pinag-iingat rin ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato at ang kanilang mga tagasuporta at volunteers, gayundin ang mga tagalinis ng gobyerno, laban sa polusyong dulot ng pagtatapon o pagsusunog ng mga binaklas na materyales.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pagtatapon at pagsusunog ng basura, ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act), ay lilikha lamang ng problemang kemikal mula sa problema sa basura.

Kapwa ang open dumping at open burning ay maaaring mauwi sa pagpakawala ng masamang chemical pollutants sa hangin, tubig, at lupa, na makasisira sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran, ayon sa grupo.

Ang pagsusunog ng chlorinated materials gaya ng plastic campaign posters ay magdudulot ng pagbubuo at pagpapakawala ng health-damaging dioxins at furans, na kabilang sa pinakanakalalasong kemikal na gawa ng tao, babala ng grupo.

Imbes na itapon o sunugin ang mga binaklas na campaign materials, hinimok ng EcoWaste Coalition ang post-campaign clean-up participants na maayos na iklase ang mga ito at muling gamitin o ibenta sa mga junk shop.

Gayundin, pinaiiwas ng grupo ang mga nanalo o natalong kandidato sa pagkabit ng mga “thank you” tarpaulin upang magpasalamat sa mga botante.

“Please don’t add further to the post-election trash with your ‘thank you’ tarps. As an alternative, we enjoin politicians to conduct neighbourhood clean-up activities as a way of thanking their constituents,” sabi ni Lucero.

Ngayong Martes, mag-oorganisa ang EcoWaste Coalition ng post-campaign clean-up drive sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng mga lokal na awtoridad at grupo. (PNA)