Limang batas ang nakabitin ngayon sa House of Representatives na naglalayong punan ang mga butas sa 1974 Labor Code of the Philippines at tugunan ang gridlock sa pagitan ng mga manggagawa at employer sa isyu ng “endo” o labor contractualization, sinabi ng isa sa mga lider ng Kamara.

Binanggit ni Rep. Karlo Alexei B. Nograles (1st District, Davao City), chairman ng House Committee on Labor and Employment, na ang mga hakbang ay ang House Bill Nos. 5416, 5415, 5806, 6397 at 4659, na kanyang inakda.

“These bills seek to institutionalize the multiple approach adopted by the Department of Labor and Employment in addressing the issue of ‘endo’ or contractualization,” pahayag ni Nograles.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Nograles, mayroong mga tukoy na butas sa Labor Code na kailangang pinuhin upang matugunan ang hamon ng globalisasyon ng production chains, kabilang na ang “endo” at iba pa upang matiyak ang proteksyon ng mga manggagawa.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Articles 106-109, na nagpapahintulot sa contracting at subcontracting arrangement at nagbabawal sa labor-only contracting; Articles 279, 280 at 281 sa right to security of tenure, regular employment, probationary; at Articles 282 at 283 o ang mga batayan ng termination of employment at Articles 128 at 129 sa visitorial at enforcement power ng Secretary of Labor and Employment.

Nilalayon din ng panukalang batas na amyendahan ang Book IV sa occupational health at safety standards at mga parusa sa hindi pagsunod; at pagsakop sa self-organization partikular sa Article 243 para alisin ang paniniwala na ang mga walang tumpak na employer-employee relationship, mga probationary, at empleyado maliban sa mga may regular status, ay hindi kasama sa unyon, at pinahihintulutan lamang na magbuo ng mga labor organizations para sa mutual aid at protection, at hindi para sa layunin ng pangongolekta ng collective bargaining.

Ang HB 5415 o An Act Specifying the Requirements of Legitimate Contracting or Subcontracting, ay inaamyendahan ang Articles 106 hanggang 109 ng Labor Code of the Philippines, as amended.

Ang HB 5416 o An Act Defining the Causes of Termination of Employment of Workers ay isang amendatory measure sa Articles 282 at 283 ng PD442, as amended.

Muling binibigyang diin ng House Bill 5806 o Employment Relations Bill ang karapatan sa security of tenure sa pag-oobliga na gawing regular ang lahat ng empleyado maliban sa mga nasa ilalim ng probationary employment. (PNA)