Dahil sa nakaambang problema sa kawalan ng posibleng recruits mula sa high school sanhi ng epekto ng pagbabago sa curriculum dahil sa K-12, inaasahan na ang pagbabago sa pamantayan ng eligibility at age limit para sa mga manlalaro sa collegiate level ng collegiate league sa bansa, kabilang na ang NCAA at UAAP.

Sa katunayan, may binago na sa eligibility ng NCAA dahil pinapayagan nang makalaro ang isang player na may edad 24 o magdiriwang ng kanyang ika-24 na taong kaarawan habang ongoing ang liga para sa darating na Season 92 na magsisimula na sa susunod na buwan.

Para naman sa UAAP na magbubukas sa Setyembre, nagpapasa na rin sila ng  bagong rule na mag-i-extend ng eligibility ng isang player.

Mula sa dating limang taong paglalaro, posibleng gawin itong pitong taon habang pag-aaralan pa rin ang posibleng adjustment sa age limit ng players.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ngunit ang mga nasabing rule changes ay pag-aaralan pa kung hanggang kailan ipapatupad dahil ginawa lamang ito sanhi ng epekto ng K-12 dahil sa susunod na dalawang taon ay walang magtatapos ng high school.