DAGUPAN CITY, Pangasinan – Arestado ang isang barangay chairman, isang miyembro ng Philippine Army at apat na iba pa matapos tangkaing takasan ang checkpoint sa Tuguegarao City, Cagayan.

Dakong 11:45 ng gabi nitong Linggo nang dakpin ang mga suspek sa paglaban sa election gun ban.

Ayon sa Tuguegarao City Police, sakay sa gray na Honda Civic (NTO-124) ang mga naaresto na sina Francis Lim Saguban, 35, may asawa, chairman ng Barangay San Jose, San Pablo, Isabela, at driver ng sasakyan; Roger Crisologo Taccaban, 39, may asawa, ng Bgy. Carilucud, San Pablo, Isabela; at isang 17-anyos na lalaki na taga-San Pablo rin.

Lulan naman sa gray na Toyota Innova (XTU-618) sina Juanito Lim Saguban, 32, may asawa, ng Bgy. San Jose, San Pablo, at driver ng AUV; Ariel Pinugu Babaran, 41, binata, sundalo, ng Reina Mercedes, Isabela; at Orlando Martin Dancel, 43, may asawa, farm helper, ng San Pablo, Isabela.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang .45 caliber Sig Sauer 1911 pistol na kargado ng mga bala, isang Colt M-16 automatic rifle na may mga bala, isang .45 caliber Colt na kargado rin ng mga bala, dalawang.45 caliber Armscor na may mga bala, at isang .38 caliber SW revolver na kargado rin.

Ayon sa pulisya, tinangka ng convoy ng mga suspek na iwasan ang checkpoint ng pulisya sa lugar. (Liezle Basa Iñigo)