PYONGYANG, North Korea (AP) – Sinabi ng North Korea na ipinatapon nito ang isang BBC journalist sa diumano’y pang-iinsulto sa “dignity” ng diktador na bansa, na inimbitahan ang ilang foreign media para sa ruling party congress.

Sinabi ni O Ryong Il, secretary-general ng National Peace Committee ng North, kahapon na ang news coverage ni Rupert Wingfield-Hayes ng BBC ay binabago ang mga katotohanan at “spoke ill of the system and the leadership of the country.’’ Idinagdag niya na sumulat na ng apology si Wingfield-Hayes, ipinatapon at hindi na pahihintulutang makabalik sa bansa.

Sinabi ng BBC na idinetine si Wingfield-Hayes noong Biyernes kasama ang kanyang producer na si Maria Byrne at cameraman Matthew Goddard, at dinala sila sa Pyongyang airport. Ayon dito, nasa North Korea sila bago magsimula ang congress kasama ang isang grupo ng Nobel laureates.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national