Naniniwala ang mga kongresista sa Rizal na kakatigan ng Senado ang pinagtibay nilang House Bill 4773 na nagdedeklara sa Antipolo City bilang kabisera ng lalawigan.

Sa kasalukuyan, ang Pasig City ang itinuturing na kabisera ng Rizal, bagamat saklaw na ito ngayon ng Metro Manila.

Pinangunahan ni House Committee on Local Government Chairman Rep. Pedro B. Acharon, Jr. ang pagtataguyod sa plenaryo ng nasabing panukala, na ipinalit sa HB 1949 na ipinadala na sa Senado.

Ang HB 4773 (An Act transferring the capital and seat of government of the Province of Rizal from the City of Pasig, Metro Manila to the City of Antipolo) ay inakda nina Reps. Joel Roy R. Duavit, Isidro S. Rodriguez, Jr., at Roberto V. Puno.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Rizal ay binubuo noon ng 29 na bayan, at ang Pasig ang piniling “seat of provincial government” o kapitolyo nito. (Bert de Guzman)