Ni Angie Oredo

Isasagawang muli ang world-class volleyball action sa Manila matapos ang pormal na paggawad ng International Volleyball Federation (FIVB) ng hosting sa FIVB World Women’s Club Championship.

Sinigurado ito nina FIVB executive committee member Gustav Jacobi sa pagpirma sa isang memorandum of agreement (MOA) kay Philippine Superliga (PSL) president Ramon Suzara.

Nakatakda ang torneo sa Oktubre 18-23 sa MOA Arena.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ito ang unang pagkakataon para sa Pilipinas na i-host ang world volleyball meet matapos na buksan ang pintuan nito sa FIVB World Grand Prix noong 2000 kung saan nagwagi ang Cuba para sa korona at pinalawak ni Brazilian star Leila Barros ang interes ng mga Pilipino sa sports.

Sinabi ni Suzara na ang paghohost ay eksakto sa panahon laluna na ngayon na nararamdaman ng Pinoy ang tila pagsilang muli ng volleyball sa bansa.

Kasama na dumalo sa signing ng MOA ang mga pinuno ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) sa pamumuno ng pangulong si Joey Romasanta at vice-president Peter Cayco gayundin si Peter Bratschi ng Eventcourt, na magsisilbing co-organizer ng torneo.

“Philippine volleyball is experiencing a renaissance,” sabi ni Suzara, chairman ng makapangyarihang marketing and development committee ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at miyembro ng FIVB.

“But our athletes are experiencing international level competitions only lately. The 2016 FIVB World Women’s Club Championship will be one, if not the biggest, of the major international tournaments we will be hosting,” aniya.

Nakatakdang lumahok sa torneo ang South American champion Rexona Ades Rio de Janeiro ng Brazil, Asian heavyweight Bangkok Glass ng Thailand, Pomi Casalmaggiore ng Italy, ang Pilipinas at dalawa pang wildcard.

Ang Pilipinas ay irerepresenta ng anim na PSL stars at anim na dayuhang manlalaro na magmumula mismo sa volleyball powerhouse na bansa tulad ng Russia, United States, Brazil at Turkey.

Iidinagdag ni Suzara na mismong si FIVB president Dr. Ary Graca ay nagpasabi na nakatuon ito sa matagumpay na pagsasagawa ng torneo matapos ang masayang pagsasagawa sa Zurich nakaraang taon.   

“The FIVB has been very supportive to our endeavors to make the Philippines a strong sporting country once again. With Eventcourt as our partner, we will be assured of a well-managed event,” sabi ni Suzara.