Arestado ang isang taxi driver matapos siyang makumpiskahan ng mga baril at bala sa “Oplan Galugad” sa kanyang bahay sa Taguig City, nitong Sabado ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code sa Taguig Prosecutor’s Office si Kaunting Salik, nasa hustong gulang, ng Sitio Ato Side, Western Bicutan, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 11:20 ng gabi nang galugarin ng mga pulis ang tirahan ni Salik sa Sitio Ato Side sa Western Bicutan.

Narekober ng awtoridad ang isang .38 caliber revolver, limang bala nito, isang sumpak, isang cylinder ng .38 caliber, dalawang bala ng shotgun, at cell phone.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Walang kaukulang papel ang mga nakumpiskang baril, kaya dinakip ang suspek, at nakakulong ngayon sa detention cell ng Taguig City Police headquarters. (Bella Gamotea)