sabilo

Kumpiyansa si dating world champion Merlito “Tiger” Sabillo na mabibigyan ng dangal ang bayang Pilipinas sa kanyang pagsagupa kay reigning WBA Asia champion Riku Kano ng Japan para sa Orient Pacific Boxing Federation minimumweight crown Linggo ng gabi sa Bunka Center sa Sanda, Hyogo, Japan.

Walang naging problema ang 32-anyos na si Sabillo, dating WBO world minimumweight champion, sa kanyang timbang na rumehistro sa 104 lbs., habang may bigat na 104.5 lbs. ang 18-anyos niyang karibal.

“Maganda condition ni Sabillo. Pero balikatan ito, pag walang knockout delikado,” sambit ni Brico Santig ng MP-Highland Promotions, manager ng Pinoy fighter.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Tangan ni Sabillo, pambato ng Toboso, Negros Occidental ang ring record na 25-2-1, tampok ang 12 KOs, ngunit, mapapalaban siya sa mas bata at isang southpaw na katunggali.

Malinis ang karta ni Kano sa 7-0 tampok ang apat na TKO. Galing siya sa panalo via first round TKO kontra Chaichana Sor Por Por ng Laos noong Pebrero 26 sa Wat Kokkuod, Surin, Thailand. 

Nakopo ni Sabillo ang unang international title nang pabagsakin si Roger Echavez noong Abril 30, 2011 para sa WBO title. Sinundan niya ito ng unanimous decision win kontra Rodel Tejares sa Bacolod City noong Oktubre 9, 2011.