LAS VEGAS (AP) – Napipintong naresolba ang US$100 million na demand ng Top Rank Promotion kay boxing manager Al Haymon, sapat para malagpasan ang isang hadlang sa posibilidad na rematch sa pagitan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at undefeated champion Floyd Mayweather, Jr.

Kapwa retirado na ang dalawang future boxing hall-of-famer.

Sa impormasyon na nakalap mula sa legal counsel ng Top Rank, pansamantalang ipinatigil ni Bob Arum ang paghingi ng mga dokumento na may kinalaman sa naturang reklamo na isinampa laban kay Haymon.

Ang ganitong sitwasyon ay kadalasang pinagsisimulan ng maayos na usapin para maresolba ang isyu sa labas ng hukumn.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Batay sa reklamo, lumabag si Haymon sa Muhammad Ali Boxing Reform Act nang magsilbi siyang manager at promoter ng TV boxing series Premier Boxing Champions.

Iginiit din ng Top Rank na tinangka ni Haymon na imanipula ang sports ng boxing.

Naibasura na ang antitrust claim ng Top Rank, ngunit nagpatuloy ang kaso matapos tanggihan ng korte ang mosyon ni Haymon.

Sakaling magkaayos, malaki ang posibilidad na makapag-usap muli ang Top Rank, ang promosyon ni Pacman at ang Mayweather Promotion na pinangangasiwaan ni Haymon.