Suspendido ang Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), na mas kilala bilang number coding scheme, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa buong Metro Manila ngayong Lunes.

Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang national at local elections.

Malayang magagamit ng mga botante ang kanilang sasakyan patungo sa kani-kanilang polling precinct habang nakaantabay naman ang mga sasakyang gagamitin sa pagdadala ng mga election paraphernalia sakaling magkaroon ng kaunting aberya o problema.

Unang idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ang Mayo 9.

National

ITCZ at easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA

Samantala, nilinaw ng Department of Labor and employment (DoLE) na may dagdag na suweldong matatanggap ang mga empleyadong magtatrabaho ngayong araw, alinsunod sa Proclamation No. 1254 ni Pangulong Aquino. - Bella Gamotea