Naghanda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ilang tow truck sakaling magsagawa ng mga kilos-protesta ang mga matatalong kandidato at harangan ang mga lansangan matapos ang eleksiyon ngayong Lunes.

Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na ipinag-utos niya sa mga tauhan ng ahensiya na maging alerto laban sa posibilidad ng mga biglaan o sorpresang rally.

“Tow trucks would be used to clear thorough fares of vehicles obstructing traffic flow. Should there be rallies, we will be ready,” ani Carlos.

Una nang inihayag ng MMDA na magpapakalat ito ng 2,664 na tauhan upang magmando sa mga trapiko malapit sa mga polling precinct sa Metro Manila.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nagtalaga rin ang ahensiya ng mga tauhan sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Intramuros, Maynila, at sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, na pagdarausan ng canvassing ng mga bot. - Anna Liza Villas-Alavaren