ILOILO CITY – Nagtalo ang isang kandidato sa pagka-kongresista sa Iloilo at isang hepe ng pulisya kaugnay ng mga panuntunan sa pagsasagawa ng checkpoint.

Kinumpirma ni Atty. Wil Arceño, supervisor ng Commission on Elections (Comelec)-Iloilo, na nakipagtalo si Dr. Ferjenel “Ferj” Biron, dating kongresista at kandidato ngayon para maging kinatawan sa Kongreso ng ikaapat na distrito ng lalawigan, kay Insp. Charlie Sustento Jr., hepe ng Dumangas Police.

Iginiit ni Sustento na na-harass siya ni Biron habang nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang grupo nitong Biyernes.

Nabatid na huminto ang sasakyan ni Biron sa minamandong checkpoint ni Sustento, at sinabi ng huli na pinagmumura siya ng dating kongresista habang napaliligiran ito ng mga bodyguard.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinuwestiyon naman ni Jasmin Ocampo, kaalyado ni Biron, ang awtoridad ni Sustento para magsagawa ng checkpoint nang walang kinatawan ng Comelec, na idinepensa naman ni Arceño. (Tara Yap)