Vice Ganda copySA tatlong magkakasunod na araw, May 2, 3, at 4, pinadapa ng It’s Showtime ang Eat Bulaga na katapat nito sa GMA-7, batay sa inilabas na ratings ng Kantar Media.

Sa data ng Kantar Media noong  May 2, malaki ang inilamang ng Kapamilya noontime sa EB, halos 7% ang  kabuuan, napakalaking abante kung tutuusin kumpara noong panahong  sikat pa ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Say ng Kantar sa May 2 results, “The rating of It’s Showtime spiked to 18.0 % as it featured champion UAAP Women’s volleyball team, while Eat Bulaga only managed 12.9%”.

Sa sumunod na araw, May 3, hindi natinag kundi bahagya pang umakyat ang ratings ng It’s Showtime na pumalo ng 18.3% against Kapuso’s noontime show na nakakuha lamang ng 12.6%.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tumaas uli ang lamang last May 4 nang magtala ng 18.4% ang programa nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at iba pa laban sa 12.8% na naitala ng EB.

Kaya nasa cloud 9 at ganado ang It’s Showtime team nina Peter Dizon, Jilmer Dy (mga executive producers) at Reily Santiago (business unit head). Naging paborito ng televiewers ang Showtime mula nang baguhin ang concept ng show last February lalo na nang pumasok ang “Tawag ng Tanghalan” segment. --Ador Saluta