ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Calm and peaceful ang maghapon mo, pero sa loob lang ng bahay. Sa daan papunta sa voting precincts, parang palengke sa ingay.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Bitbit mo ang kodigo ng iyong preferred candidates, pero bago ka mag-shade sa balota, bigla kang magpapalit ng presidential bet.

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Human-Interest

Baligtad na ngayon! Nanay na papasok sa school, binigyan ng baon ng anak

Today, kukuwestiyunin mo kung bakit involved pa sa buhay mo ang isang walang kuwentang tao. Sana ang buhay, parang sa pagboto, puwedeng mag-abstain.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Paalis ka na sa bahay para bumoto, pero hindi ka pa rin sure sa iboboto mong presidentiable. Try mo kaya mag-pray.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Pagkatapos ng botohan, busy na naman ang isip mo—sa kaiisip sa bagong set up sa office na dadatnan mo bukas.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Magiging busy ka sa monitoring ng election results sa mga susunod na araw. Bakeeet? Hindi ka naman boboto today.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Ilalaan mo ang holiday na ito sa pagre-relax at pagta-travel. As usual, dedma ka na naman sa kapakanan ng bayan mo.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Aktibo kang magpa-participate sa election today. May chance ka later na tumulong sa mga nangangailangan. Make your loved ones proud.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Huwag pagtatagalin ang pag-accomplish sa minor tasks. At mahalagang isingit, siyempre pa, ang responsibilidad mo sa bayan. Go out and vote!

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

May secret kang bibilhin, dahil alam mong doble ang balik nito sa wallet mo. Hindi naman siguro boto ‘yan, noh?

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

May chance na mami-meet mo na siya today. Mapapasulyap ka mamaya sa guwapong BEI.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Magiging successful today ang iyong creative efforts. Ang importante, magpahinga matapos ang mahabang biyahe (kung bakit kasi nasa liblib na isla ang voting precinct mo).