WALANG patid ang pagsubaybay sa GMA ng mga manonood sa Urban Luzon at Mega Manila noong Abril base sa data ng Nielsen TV Audience Measurement.

Nanguna ang GMA sa lahat ng day parts (mula umaga hanggang primetime), patunay sa lalo pang umiinit na pagtangkilik ng viewers sa mga Kapuso program.

Simula Abril 1 hanggang 30 (base sa overnight data ang Abril 24 hanggang 30), nakapagtala ang GMA ng 40.1 percent household shares sa Urban Luzon, mas mataas sa 30.8 percent ng ABS-CBN, at sa 7.9 percent ng TV5.

Hindi rin natinag sa pagiging number one ang GMA sa Mega Manila dahil sa nakuha nitong 41.9 percent kumpara sa 27.9 percent ng ABS-CBN, at sa 8.4 percent ng TV5.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang Urban Luzon ay kumakatawan sa 77 percent ng kabuuang urban TV households sa bansa, habang 60 percent naman ang Mega Manila.  

Nanguna rin ang Kapuso Network sa morning at afternoon blocks sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM). Nasa 32.7 percent ang naitalang shares ng GMA sa morning block, higit sa 30.7 percent ng ABS-CBN at sa 12.6 percent ng TV5. Sa afternoon block, nakapagtala ang GMA ng 38.5 percent na sapat para talunin ang 34.4 percent ng ABS-CBN at ang 7.8 percent ng TV5.

Samantala, wagi rin sa ratings ang nakaraang laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley na eksklusibong napanood sa free TV sa GMA. Ang main fight na tinaguriang PacBrad III ay nakakuha ng 40.5 percent household rating sa Total Philippines, higit na mas mataas sa rating ng mga katapat nitong program sa ABS-CBN at TV5. Lamang din ng 15.3 points ang naitalang rating ng PacBrad III sa Battle for Greatness (Manny Pacquiao versus Floyd Mayweather Jr.) na napanood sa GMA noong nakaraang taon.

Ang PacBrad III ang naging highest rating program sa listahan ng top-rated shows sa Mega Manila (kasama ang specials) at ito rin ang highest rating Kapuso show sa NUTAM at Urban Luzon.

Angat din sa ratings noong Abril ang Lip Sync Battle Philippines, Pepito Manaloto, Kapuso Mo, Jessica Soho, Eat Bulaga, 24 Oras, Poor Señorita, at Magpakailanman.

Gayon din ang That’s My Amboy, Ismol Family, Because of You, Wish I May, Bubble Gang, Sunday PinaSaya, Hanggang Makita Kang Muli, 24 Oras Weekend, Karelasyon, Wowowin, Vampire Ang Daddy Ko, The Millionaire’s Wife, at Imbestigador.

Kumpara sa ibang networks, mas maraming programa ng GMA ang nakapasok sa listahan ng top programs sa Urban Luzon at Mega Manila.