Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tataas pa ang bilang ng mga overseas Filipino voter (OFV) bago matapos ang overseas absentee voting (OAV) ngayong Lunes, bagamat aminado ang kagawaran na hindi na maaabot ang target na isang milyong lalahok OFV.

Batay sa datos ng Overseas Voting Secretariat, hanggang nitong Sabado ng tanghali ay umabot na sa kabuuang 354,376 na OFV, o katumbas ng 25.75%, ang bumoto mula sa 1.37 milyong rehistradong OFV.

Patuloy ang panawagan ni DFA Spokesman Charles Jose sa mga OFV na lumahok at bumoto hanggang ngayong Lunes, kasunod ng pagbaba ng kagawaran sa target nito sa kalahating milyon, katumbas ng 80% voters turnout.

Tiwala naman si Jose na dadami ang bobotong OFV ngayong Lunes. - Bella Gamotea

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'