Tiniyak ng Simbahang Katoliko na bukas ito sa critical collaboration sa sinumang mahahalal na pangulo ng Pilipinas ngayong Lunes.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Father Anton Pascual, walang masama kung makikipag-collaborate ang Simbahang Katoliko sa gobyerno.

Gayunman, iginiit ni Pascual na makikipag-collaborate lamang ang Simbahan sa bagong administrasyon kung umiiral at magkakasundo sa tatlong fundamentals na kinabibilangan ng kalayaan sa relihiyon, respeto para sa dignidad, karapatan ng bawat tao, at malasakit sa kalikasan.

“The Church is always in favor of critical collaboration with the government, to avoid abuses and illegal actions at the expense of the needy,” sinabi ni Pascual sa panayam ng Radio Veritas. - Mary Ann Santiago

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'