BEIJING (AP) – Natagpuan ng mga rescue team ang 14 na bangkay habang 25 katao pa ang nawawala nitong Lunes matapos ang landslide sa isang hydropower project sa southern China kasunod ng ilang araw na pag-ulan, sinabi ng mga awtoridad.
Ipinadala ang rescuers katuwang ang mga eksperto para maghanap ng mga nabubuhay at hukayin ang mga bato, na bahagi ng 100,000 cubic meter na bundok ng mga guho na nagbaon sa isang gusali at mga construction worker na naninirahan sa lugar noong Linggo ng umaga.
Ang proyekto sa bulubunduking Taining county sa Fujian province ay extension ng Chitan hydropower station, isang affiliate ng state-owned Huadian Fuxin Energy Ltd., at inaasahang magsisimula ang operasyon sa Agosto 2017, iniulat ng Xinhua.
Hindi pa malinaw ang sanhi ng landslide ngunit ilang araw nang inuulan ang lugar.