BUGUEY, Cagayan - Isang barangay chairman ang inaresto ng pulisya rito kaugnay ng paglabag sa election gun ban, alinsunod sa Omnibus Election Code.

Sa inisyal na impormasyong nakalap, dakong 11:00 ng gabi nitong Mayo 7 nang magbaklas umano ng mga campaign poster ng mga kandidato ng Liberal Party ang grupo ni Barangay Chairman Rofel Castillo sa Zone 2, Barangay Quinawegan sa Buguey.

Nagpaputok pa umano ng baril si Castillo at aksidenteng tinamaan ang isang Leopoldo Alvis, 46, ng Bgy. Maddalero na kasamahan niya.

May ilang testigo ang nagsabi na nagbabaklas ang grupo ni Castillo ng mga campaign poster nang magpaputok ng baril ang opisyal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakarekober ang pulisya ng apat na bala ng .9mm caliber sa pinangyarihan ng krimen.

Sinabi naman ni Chief Insp. Cristopher Danao, hepe ng Buguey Police, na inaresto si Castillo matapos makuha mula sa bag nito ang isang .45 caliber medallion na may magazine na kargado ng pitong bala, at dalawa pang magazine na may 23 bala. (Liezle Basa Iñigo)