BANGUS_RODEO

MULING nagpaligsahan sa bayan ng may pinakamasarap na bangus ang pinakamalaki, pinamabigat at pinakamagandang bangus noong Abril 22 bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Bangus Festival.

Sa taong ito, nagwagi ang pinakamabigat na bangus na inalagaan ni Alfie Flores, sa timbang na 5.6 kilos. Mas mabigat ito ng mahigit isang kilo kumpara sa nagwagi noong nakaraang taon.

Pumangalawa ang bangus mula kay Alfredo Vidal at kay Kevin Angelo Caneng na kapwa tumimbang ng 3.42 at 3.025 kilos.

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

Ang nagwaging pinakamahabang bangus na may sukat na 80.5 sentimetros ay nakamit din ni Alfonso Flores, pumangalawa ang bangus ni Alfie Flores, na may habang 77.5 sentimetros. Pumangatlo naman ang bangus ni Alfredo Dival na may sukat na 71.5 sentimetros.

Sa pagandahan ng bangus, nagwagi naman ang bangus nina Alvin Caguioa, Dominador Caguioa at Betty Marzan.

Ang pinakamagandang bangus ay pinipili sa kanilang malinaw at bilugang mata, pino, makinis at maayos na salansan ng kaliskis. Tinitingnan din ang hugis ng maliit na ulo, ang mapintog na tiyan, sariwang hasang at ang hugis ng buntot.

Sa pabilisan ng pagtanggal ng tinik ng bangus, tinanghal na pinakamabilis na deboner si Marilyn Ugaban sinundan ni Jonalyn Ignacio at ni Sylvester Laburin.

Iniuwi ni Ryan Doria ang titulo bilang pinakamabilis na bangus classifier o nagtatakda ng mga sukat ng bangus sa pamamagitan lamang ng pagkapa sa mga isda. Pumangalawa si Thomas Alejo at third ni Johnny Sindayen.

Tumanggap ng tig-P15,000, P10,000 at P5,000 pesos ang mga nagwagi sa pinakamabigat, pinakamahaba at pinakamagandang bangus, ayon sa pagkakasunod. Samantalang tig-P3,000, P2,000 at P1,000 naman sa mga nagwagi sa pinakamabilis na deboner at classifier, ayon din sa pagkakasunod.

Lahat ng mga nagwaging bangus ay nagmula sa mga palaisdaan sa barangay Lucao, Pugaro, Bonuan at Salapingao.

(JOJO RIÑOZA)