SANTO DOMINGO, Dominican Republic (AP) – Tinatayang 2,500 katao ang lumikas sa Dominican Republic dahil sa baha na dulot ng malalakas na ulan nitong nakalipas na 12 araw, sinabi ng relief agencies noong Linggo.

Hinimok ni Juan Manuel Mendez, director ng Center of Emergency Operations, ang mamamayan na manatiling nakaalerto sa posibilidad ng mga karagdagang pagbaha at mudslide dahil sa inaasahang mga pag-ulan sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Mendez na 10 bahay ang winasak ng mataas na tubig at halos 500 ang nalulubog sa baha. Limang tulay ang nawasak at walang madaanan patungo sa 31 komunidad sa kabayanan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture