Ni ADOR SALUTA

Aiko Melendez MARAMI pa rin ang curious kung ano ang estado ng lovelife ni Aiko Melendez ngayon. 

After her three failed relationships (with Jomari Yllana, Martin Jickain at Bulacan Mayor Patrick Meneses), mukhang blooming uli ang buhay pag-ibig ng aktres. 

Sa kanyang nakaraang IG post, ipinagmamalaki niya na on a “dating stage” siya with her new boyfriend na isang Persian, si Shahin Alimirzapour, Dentistry student ng Centro Escolar University.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sa isang panayam kay Aiko, ikinuwento niya kung paano nagsimula ang romansa nila ng 28 years old na banyaga.

“We met in a party of our common friend.” umpisa ni Aiko. “He approached me pero hindi ko siya pinapansin. I’m kinda snob, you know. So he went up to me and then he said, ‘can I get your name? Do’n ‘yon nagsimula. He didn’t have any idea that I was an actress. And then he asked me, ‘Do you have Facebook?’ Sabi ko, yeah. That’s how it started.”

40 na si Aiko ngayon, kaya 12 years ang agwat niya sa kanyang boyfriend. 

Para sa aktres, age doesn’t matter. 

Alam naman daw ng kanyang boyfriend ang 12 years nilang agwat at ayon kay Shahin, “Yeah, we have an age gap, but the thing is, my family knows about Aiko already. And age doesn’t matter to me.”

Buwelta ni Aiko sa sinabi ng dyowa, “Age kasi is just a number. What matters is how you get along, when you have the same wave length and when you see things together the same way.

“I think age is but numbers plus the fact that I’m blessed na I don’t look like I’m 40s,” katwiran ni Aiko.

Alam na rin ni Shahin  na may dalawang anak si Aiko, pero ayon sa banyaga, hindi ito naging isyu sa kanila. 

Naipakilala na ni Aiko sina Andrei (anak niya kay Jomari) at Marthena (anak niya kay Martin Jickain) at paminsan-minsan ay magkakasama sila sa lakad. 

Umaasa ba ng forever sa relasyon na ito si Aiko?

“When I’m going into a relationship that’s always been my goal, that it’s going to be for keeps and then forever, sana, di ba? A lot of people are negative about the word forever, ‘di ba, baka naman this time meron,” aniya na may kasamang ngiti.

“I’m hoping na siya na talaga. Now, we’re praying together. We’re putting God in the center of our relationship so everything will work out well,” sabi pa ni Aiko.