GREGOIRE LAKE, Alberta (Reuters) – Tuloy sa delikadong paglagablab ang wildfire sa Canada habang itinutulak ng mainit na hangin ang dambuhalang apoy ay patungo sa pusod ng Alberta, at nagbabantang lamunin ang isang oil sands project.

Inaasahang dodoble pa ang pinsala ng pagliliyab na nagbunsod ng paglikas ng lahat ng 88,000 katao sa siyudad ng Fort McMurray nitong Sabado, ang ikapitong araw ng isa sa pinakamatitinding kalamidad sa kasaysayan ng Canada.

Tinaya kahapon ng awtoridad na aabot na sa 300,000 ektarya ang apektado ng wildfire.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM