Dalawampu’t limang katao ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang truck sa isang kapilya sa Barangay Kinabuhayan, Dolores, Quezon, matapos silang dumalos sa miting de avance ng isang partido pulitikal nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, sakay ang mga biktima sa Isuzu Elf truck (ZTH 683) na minamaneho ni Nepomoceno C. Rocha nang mawalan ng preno ang sasakyan habang dumaraan sa isang kurbada, dakong 11:50 ng gabi nitong Sabado.

Bagamat wala nang preno, pilit pa ring minaniobra ni Rocha ang truck sa kaliwa kaya tumagilid ito bago sumadsad sa konkretong kapilya.

Ang mga biktima ay isinugod ng rumespondeng rescue team sa San Pablo District Hospital at San Pablo General Hospital.

Probinsya

11 bangkay, narekober sa ‘search and rescue’ sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3

Bagamat nagpapagamot ngayon, nahaharap pa rin sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries si Rocha dahil sa insidente. - Danny J. Estacio