Ni Leslie Ann G. Aquino

Nalilito ka pa rin ba kung sino ang iboboto mo?

Inilabas ni Fr. Anton Pascual, pangulo ng Radyo Veritas, ang mga sumusunod na maaaring gamiting gabay sa pagpili ng mga kandidato.

    National

    50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  1. Magdasal at magpasya ayon sa iyong konsensiya.
  2. Igalang ang desisyon ng iba sa pagpili ng kandidato at irespeto ang hinirang ng nakararami.
  3. Kilalanin at kilatisin ang pagkatao at kakayahan ng mga kandidato na naghahangad maglingkod sa bayan.
  4. Alamin mo ang mga isyu at programa ng mga kandidato kung tutugon ito sa mga problema at nais na pagbabago ng lipunan.
  5. Huwag ibenta at bantayan na mabilang ang ating boto.
  6. Huwag iboto ang mga kandidatong kilala sa paggamit ng guns, goons and gold.
  7. Huwag iboto ang mga kandidatong nasangkot sa graft and corruption.
  8. Huwag iboto ang mga kandidatong imoral sa kanilang personal na buhay lalo na ang walang pagpapahalaga sa dangal ng pamilya.
  9. Huwag iboto ang mga kandidato na marahas at handang pumatay ng walang paggalang sa batas at sa diginidad ng buhay ng tao.
  10. Isaalang-alang lagi ang kabutihan ng lahat ng tao, o common good, sa pagpapasya ng iboboto.