Umapela sa mga botante si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na huwag sayangin ang biyaya ng pagboto at ihalal bukas ang karapat-dapat para pamunuan ang bansa.
Ayon kay Tagle, napapanahon na para magkaroon ng tunay na pagbabago sa bansa at ang susi patungo rito ay nasa kamay ng mga botante.
Paliwanag ni Tagle, dahil sa biyaya ng demokrasya ay napakikinggan ang boses ng mamamayan sa kung paano huhubugin ang lipunan.
“Let us not waste this blessing… participation in forging the destiny of our country,” anang Cardinal.
Sa kabila nito, muling iginiit ni Tagle na hindi mag-eendorso ng sinumang kandidato ang Simbahang Katoliko bilang pagpapakita ng respeto sa kakayahan ng mga botante na pumili ng kanilang leader. (Mary Ann Santiago)