Nananatiling si Sen. Grace Poe lamang ang maaaring tumalo kay Davao City Mayor Rodrigo Dutere na nangunguna sa mga survey ng mga presidential candidate, ayon sa tagapagsalita ng senadora na si re-electionist Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Aniya, malaki pa rin ang tsansa ni Poe na pigilan si Duterte na maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa batay sa mga huling survey.

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia kamakailan, lumalabas na 41 porsiyento ng mga botante ni Mar Roxas ang boboto kay Poe sakaling umatras sa laban ang dating kalihim ng DILG.

“Sa ating mga kababayan, sa pagnanais nating baguhin ang kasalukayang kalagayan ng bansa, kami’y nakikiusap na huwag nating gamitin ang darating na eleksiyon para magbulag-bulagan sa pangako ng mga pulitiko na ang karanasan ay mas malala pa sa mga taong nais nilang palitan sa puwesto,” ani Gatchalian.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, sinabi ni Poe na huli na ang lahat upang kagatin niya ang alok ng Liberal Party standard bearer sa pagsasanib ng kanilang puwersa upang mapigilan ang pagkapanalo ni Duterte sa May 9 elections.

“When it comes to (call for) unity, (I think) earlier on would have been better,” pahayag ni Poe sa panayam sa kanyang pagbisita sa Our Lady of Manaoag Shrine sa Pangasinan.

“At least they never had to resort to personal attacks against me, like the black propaganda they’ve been saying. None of those moves came from us,” giit niya. (LEONEL ABASOLA)