Aabot na sa P12 bilyon ang naitalang kabuuang pinsala sa agrikultura ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Paliwanag ng DA, aabot na sa 300,000 tonelada ng bigas ang napinsala ng El Niño ngayong taon, mas mataas sa naunang pagtaya ng kagawaran noong nakaraang buwan.

Bukod dito, nasa 200,000 tonelada ng mais ang nalugi sa ekonomiya, dahil na rin sa patuloy na pag-iral ng matinding tagtuyot.

Sa taya ng DA, lalo pang tataas ang maitatalang pinsala ng El Niño sa susunod na mga buwan. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente