pba copy

Laro ngayon

(Smart -Araneta Coliseum)

5 n.h. – ROS vs Alaska

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Madugtungan ang matikas na simula ang asam ng Rain or Shine, habang makabangon sa maagang pagkakataon ang target ng Alaska sa pagpalo ng Game 2 ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang duwelo ganap na alas-5 ng hapon.

Sa pangunguna ni Paul Lee na umiskor ng 20-puntos, nagawang panisin ng Painters ang Aces sa Game One, 105-97.

Dahil dito,mas tumaas ang kumpiyansa ni coach Yeng Guiao sa kanilang tyansa sa pagbabalik ng dating laro ng itinuturing na lider ng kanilang koponan.

“Just the right time to get his game back. He’s back to his role as the leader of this team,” pahayag ni Guiao, naniniwalang mas tumindi ang kanilang backcourt ngayong magkakasabay na makalalaro sina Lee, Jeff Chan, Jericho Cruz at Maverick Ahanmisi.

Gayunman, hindi pa rin inaalis ni Guiao ang katotohanan at inaasahan na nilang pagbawi ng Alaska.

“It’s going to be a lot closer next time. But I hope, I’ m wrong,” aniya.

“Alaska will come back on Game Two, they’re a tough team, that’s for sure,” sambit ng multi-titled mentor.

Umamin naman si coach Alex Compton ma marami silang pagkakamaling nagawa na naging daan upang maungusan sila ng Rain or Shine.

“We made a bunch of mistakes at the start and down the stretch,” ani ni Compton na labis din ang panghihinayang sa nabalewala ng opensa ni import Rob Dozier na nagposte ng kanyang career best na 41 puntos.

“You make mistakes and Rain or Shine will make you pay all the time,” dagdag ni Compton.

Kaya naman sisikapin ng Aces na maka-focus ng husto sa susunod na laban upang makatabla sa kalaban.

“Unless we are sharper mentally, it’ going to be a really, really tough series for us,” aniya. (Marivic Awitan)