griffin copy

LOS ANGELES (AP) — Binitiwan na rin ng US basketball team si Blake Griffin at sa ikalawang sunod na Olympics ay hindi makalalaro ang matikas na forward sa quadrennial Games.

Sumailalim si Griffin sa bone marrow procedure sa kaliwang quad tendon nitong Abril 27, ayon sa opisyal na pahayag ng Los Angeles Clippers nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nagsisimula na ang rehabilitation program ng one-time slam dunk king.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Ayon sa Clippers, hindi makadadalo si Griffin sa pagsasanay ng US team sa training camp, gayundin sa nakalinyang five-game exhibition tour ng koponan. Sa kabila ng wala pang opisyal na 12-member team na ipinahahayag, inaasahang hindi na makakasama si Griffin sa Olympic team.

Nagtamo ng injury si Griffin noong Disyembre 25 at muling napinsala ang dating injury sa first round playoff kontra Portland Trail Blazers.

Kabilang siya sa 2012 Olympic team sa London, ngunit hindi nakalaro nang ma-injure sa exhibition game.