Hindi lamang sa magagandang tanawin para sa turismo makikilala ang Ilocos Sur.

Matatagpuan din sa lalawigan ang pinakabago at modernong President Elpidio Quirino Stadium na pormal na binuksan sa publiko kamakailan ng provincial government, sa pamumuno ni Ilocos Sur Gov. Ryan Singson.

Matatagpuan ang world-class sports complex sa Bantay, Ilocos Sur.

Kabilang sa sports facilities na puwedeng magamit para sa local at international tournament ang basketball courts, lawn tennis court, rubberized track oval, at artificial football pitch.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

“We are very happy that our dream has become more than a reality. Our Quirino Stadium is the only third world class sports complex in the country,” pahayag ni Gov. Singson.

“We made the state of the art sport facilities to hone our athletes even as we look forward to bringing the PalarongPambansa here in the province on 2018. This is open to all local clubs for their athletes’ training.”

Binasbasan ni Msgr. Garry Formoso ang sports complex matapos ang misa na dinaluhan ng mga opisyal ng local na pamahalaan at kinatawan ng Department of Education, sa pangunguna nina Regional Director Dr. Alma Ruby Torio, Tourism Council Mr. Eddie Quirino at kinatawan ng sector ng sports.

Nagsagawa ng ‘exhibition football match’ sa pagitan ng Ilocos Sur at R1AA XIs.

Ayon kay Torio, malaki ang maitutulong ng sports complex sa paghahangad ng bansa na makapag-develop ng mga world-class athletes.

“With this kind of sports facilities you have in your province right now, I am confident that the athletes’ skills will be more developed leading to more awards,” pahayag ni Torio.

Ayon kay Provincial Sports Coordinator Marius Cabudol, nakalinya ring ilagay ang beach volleyball court, gayundin ang covered court para sa indoor sports na badminton, table tennis at boxing; infinity swimming pool at billeting quarters.