Iginiit ng presidential aspirant na si Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat ipursige ng susunod ng administrasyon ang paghahain ng kasong graft and corruption laban kay Pangulong Aquino at sa iba pang opisyal ng gobyerno na responsable sa ilegal na paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Kung sakaling palarin na mahalal bilang pangulo sa Lunes, tiniyak ni Santiago na uunahin niya ang mga “big fish” sa gobyerno.

“Oh yes, it should be part of the continuing effort because corruption is so embedded in our bureaucracy. You cannot get rid of it in a month or six months. That’s talking through your hat,” sinabi ni Santiago sa panayam sa telebisyon.

Bukod sa Pangulo, kinasuhan sa Office of the Ombudsman sina Senate President Franklin Drilon at Budget Secretary Florencio “Butch” Abad dahil sa ilegal na paggamit ng DAP at PDAF, na kapwa idineklarang “unconstitutional” ng Korte Suprema.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inakusahan ang administrasyong Aquino ng paggamit sa P377-milyon halaga ng lump sum appropriation sa kabila ng pagdeklara ng kataas-taasang hukuman na ilegal ito.

Naniniwala si Santiago na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit sinusuportahan ni PNoy ang kandidatura ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ay upang “tunawin” ng huli ang mga kasong ihahain laban kay Aquino sa pagbaba nito sa puwesto sa Hulyo 1.

“The main focus of the Aquino administration right now is to give its massive support to who will refuse to impeach Mr. Aquino. And I think that’s what they are busy at right now,” ayon kay Santiago.

Bukod kay Aquino, iginiit ni Santiago na dapat ding isulong ang kasong graft at plunder na inihain laban sa isa pang presidentiable na si Vice President Jejomar Binay dahil sa umano’y multi-bilyong pisong nakamkam nito mula sa mga proyekto sa Makati City habang ito pa ang alkalde ng siyudad. (HANNAH L. TORREGOZA)