LILIPAD-LIPAD ang rapper na si Snoop Dogg sa kanyang susunod na buhay bilang paru-paro, habang nag-aaway-away ang mga kaanak niya sa naiwan niyang ari-arian.
Tinatayang umaabot sa $135 million ang kabuuang yaman ng 44-anyos na Gin and Juice hitmaker simula nang i-release ang una niyang album na Doggystyle noong 1993, ayon sa website na Celebrity Net Worth, pero hindi siya interesado sa detalye ng paghahati-hati rito kapag pumanaw na siya.
“I don’t give a f**k when I’m dead,” sabi ni Snoop Dogg sa Business Insider. “What am I gonna give a f**k about?
This goin’ on while I’m gone, you know?”
Nagpahayag ang rap superstar na gusto niyang maging paru-paro upang malaya siyang lumipad-lipad habang nag-aaway-away ang kanyang mga kaanak kung paano hahati-hatiin ang kanyang yaman.
“Hopefully, I’m a butterfly,” sabi ni Snoop Dogg. “I come back and fly around and look at all these motherf**kers fighting over my money and s**t, like, ‘Look at all these dumb motherf**kers’. Ha!”
Hiningian ng komento ng Business Insider si Snoop Dogg tungkol sa magiging last will niya, kaugnay ng pagkamatay ng pop legend na si Prince nitong Abril 21. Pumanaw ang Purple Rain singer na walang naiwang will and testament, kaya sa korte nagtatalu-talo ngayon ang mga kaanak niya kung paano sa paghahati-hatiin ang kanyang $300 million na ari-arian. (Cover Media)