NGITI ang isinagot ni Jennylyn Mercado nang batiin namin siya sa box-office success ng Just The 3 of Us ng Star Cinema na pinagbibidahan nila ni John Lloyd Cruz. Hindi siya nagbigay ng komento sa P16M first day gross ng movie, basta masaya siya sa kinalabasan ng first Star Cinema movie niya.

Wala pang mabanggit na new movie si Jennylyn pati ‘yung sinabing pagsasamahan nila ni Piolo Pascual.

“Kahit sinong kapareha ang ibigay sa akin, okay lang sa akin. Pero para maiba, gusto ko babae naman ang makasama ko.

Puwedeng best friend ko at sister ko. Bahala na ang scriptwriter. Gusto ko sanang makasama si Sarah Geronimo o kaya’y si Toni Gonzaga. Puwede rin si Kris Aquino,” wika ni Jennylyn.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, habang wala pang bagong teleserye sa GMA-7 si Jennylyn dahil uunahing ayusin ang renewal ng kanyang kontrata, sa cooking show na CDO Dishkarte of the Day muna siya regular na napapanood.

Nag-i-enjoy siyang mag-host ng cooking show dahil marami siyang bagong putahe na natututuhan na maluluto niya para sa anak na si Jazz at kay Mommy Lydia.

“Although wala akong time magluto these past few days dahil naging busy ako, ‘pag may time ako, pero kung may time ako, susubukan kong lutuin kay Jazz ang natutunan ko rito. Nag-enjoy ako rito dahil hindi ko kailangang umiyak, pang-break ko ito sa drama sa TV at movies,” sabi ni Jennylyn.

Mother’s Day bukas, pero may taping si Jennylyn ng cooking show niya, kaya sa gabi na lang sila lalabas ni Jazz.

Baka mag-malling at mag-dinner na lang sila, ang importante, magkasama silang mag-ina.

Si Dennis Trillo ang isa sa first guests ni Jennylyn sa CDO Dishkarte of the Day, tinukso sila ni Betong Sumayana na co-host ni Jennylyn dahil ang sweet daw nilang dalawa kahit walang label ang relasyon.

Napapanood Mondays to Fridays ang CDO Dishkarte of the Day at 8:20-8:30 am., 3:00-3:10pm., and 7:00-7:10pm., on Saturdays at 8:20-8:30 am., 3:00-3:10pm., and 4:50 to 5:00 pm and on Sundays at 12:25-12:55 pm, 4:40 to 5:00 pm and 5:40-5:50pm on GMA News TV. (NITZ MIRALLES)