PUMANAW si Princess Diana noong 12 years old pa lamang siya, pero ngayon lamang tila naging bukas si Prince Harry tungkol sa napakalaking impluwensiya sa kanya ng kanyang ina.
“All I want to do is make my mother proud,” sabi niya sa eksklusibong interview para sa cover ng People magazine ngayong linggo. “That’s all I’ve ever wanted to do.”
Sa pagsasalita niya sa Audience Room ng Kensington Palace bago siya magsimula sa kanyang Invictus Games sa Orlando — sa Miyerkules naman ay pupunta muna siya sa Palm Beach, Florida, para sa isang charity polo match — nagbalik-tanaw ang prinsipe, 31, sa lahat ng gawain na iniwan sa kanya ng ina na patuloy na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.
“When she died there was a gaping hole, not just for us but also for a huge amount of people across the world,” aniya. “If I can try and fill a very small part of that, then job done. I will have to, in a good way, spend the rest of my life trying to fill that void as much as possible. And so will William.”
Sa interview papunta sa susunod na Invictus Games — mahigit 500 na atleta ang dadalo mula sa iba’t ibang bahagi ng mundio upang makipagpaligsahan, Mayo 8-12 — nabangit din ng prinsipe ang kanyang military experience, ang kanyang plano na magkapamilya (oo, gusto niya ng anak pero hindi siya nagmamadali) at ang kanyang mga karanasan sa Disney World kasama ang kanyang ina at kapatid.
Sinabi niya na hindi niya namalayan kung paano siya dinala ng kanyang ina sa sarili rin niyang charitable works.
“I enjoy what I do. But I don’t do things because I feel as though my mother would want me to do them.” Subalit idinagdag niya na, “I know I’ve got a lot of my mother in me. I am doing a lot of things that she would probably do.”
(People/Yahoo News)