DISMAYADO ang kilalang male TV host sa kaibigang kapwa TV host at aktres na halos kasabayan niyang pumasok at nag-umpisa sa showbiz.

Noon pa man ay magkabigan at malapit na sa isa’t isa ang dalawa, kaya hindi akalain ng male TV host na mapapahiya siya sa huli.

Ang kuwentong nakarating sa amin, ipinakiusap ni Male TV Host ang aktres/TV host sa isang in-charge ng mga kumukuha ng mga celebrity guest para sa isang kapamilya niyang tumatakbo sa eleksiyon. Ang sabi pa raw male TV host ay banggitin lang sa aktres ang pangalan niya bagamat puwede ring hindi na dahil malapit din naman sa female TV host/aktres ang kandidato na tinutulungan ng male TV host.

Pero laking dismaya ng male TV host nang iparating sa kanya ng talent coordinator na bukod sa pinahihirapan siya ng ilang araw bago personal na makausap ang kinukuha nilang female TV host ay napakataas pa ng hininging talent fee, as in presyong pampelikula ang one song, one night appearance lang naman sana nito.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

“Dismayado talaga si _____ (male TV host), hindi niya akalain na gano’n kalaki ang talent fee ni ______ (female TV host/aktres). Kung ilang beses na rin naman kasi siyang naging guest sa mga show ng aktres na ‘yan at libre pa ‘yun, ha?” napapailing na kuwento ng aming source.

Sa sobrang inis daw ng male TV host sa kaibigang aktres, hindi na nito pinakinggan ang anumang katwiran ng aktres at pati mga text ay dinidedma na rin ng una.

Hayan, dahil sa eleksiyon ay mukhang mauuwi na lang sa wala ang ilang taon na rin namang pagiging magkaibigan ng dalawa. (JIMI ESCALA)