Matapos makuha ang suporta ng Iglesia Ni Cristo, ang El Shaddai naman ang nag-endorso sa kandidatura ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tumatakbo sa pagka-bise presidente.

Ito ang kinumpirma ni Willie Villarama, political adviser ng El Shaddai at sinabing si Bongbong ang inendorso ng grupo nila bilang pangalawang pangulo.

Ito ay dahil 95 porsiyento ng miyembro ng El Shaddai ang pumili kay Bongbong sa isang survey na ginawa nila nitong Sabado, pagkatapos ng kanilang prayer vigil as Amvel, Parañaque City.

Nagpakita rin si Villarama sa media ng sample ballot ng grupo.

'Walang matitira, ubos sila!' Netizens napa-react na i-firing squad mga korap

Wala namang inendorso ang El Shaddai, na pinamumunuan ni Bro. Mike Velarde, sa pagkapangulo dahil masyado raw umanong dikit-dikit ang naging botohan.

“Si Bongbong talaga ang may nakakalulang suporta ng mga miyembro ng El Shaddai,” ani Villarama.

Aabot sa walong milyon ang miyembro ng El Shaddai sa bansa at ibayong dagat. (Beth Camia)