JEN AT JOHN LLOYD copy

MULING humirit si Direk Nuel Naval sa kanyang Twitter account (@directfromncn) ng, “Padded shoulders: 80’s fashion staple.”

Sinagot naman ito ng @Jadinepublicist ng, “DIREK 200 Cinemas lang tayo yesterday!!! Partida!!! I repeat, 200 lang. One more time, 200 cinemas lang!!”

Obviously, ang pinatatamaan ni Direk Nuel ay ang statement ng Star Cinema na kumabig ng P16M sa unang araw ang Just The 3 of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na palabas sa mahigit na 300 theaters nationwide.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Samantala, ang Viva Films ay nagsabing naka-P15M naman sa opening day ang This Time na palabas nga sa 200 theaters.

Grade A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board at Rated G ng MTRCB sa This Time nina James Reid at Nadine Lustre samantalang Grade B at MTRCB R-13 naman ang Just The 3 of Us.

Magkasunod naming pinanood ang dalawang pelikula noong Huwebes sa Trinoma Mall, una ang This Time sa Cinema 6, 7:40 screening, na mahigit isandaan lang kami sa loob ng sinehan.

Pinanood naman namin ang 9:55 screening ng Just The 3 of Us sa Cinema 5 at 90 percent ang tao sa loob, at higit sa lahat ay dalawa ang sinehan ng pelikula nina Lloydie at Jennylyn sa Trinoma.

Nakita rin namin na mas pinipilahan ang Just The 3 of Us kaysa This Time. Kahit daw nagbenta pa sa unang araw ng tickets si James, hindi pa rin nila natalo ang tambalang John Lloyd at Jennylyn.

Pero puwedeng humabol ang This Time ng JaDine hanggang weekend at baka mas malakas sila sa ibang mga sinehan lalo na’t sa Trinoma lang naman kami nag-obserba sa galaw ng moviegoers.

Isa pa, may 31 block screening ang isang JaDine fan group, so malaking revenues din iyon at wala pa ‘yung ibang grupo ng fans nila.

Pero sabi na rin ng mga katoto, huwag daw magbase ng kikitain ng pelikula sa block screening kundi sa mga taong pumipila na gustong manood ng pelikula dahil hindi sila fans, at tama nga naman.

Anyway, hindi na namin ikukuwento ang napanood naming sa dalawang pelikula upang panoorin ito ng tao at para sa kanila na mismo manggaling kung alin ang mas maganda.

Ang masasabi lang muna namin, pambata ang audience ng This Time at pang-mature audience naman ang Just The 3 of Us, ‘yun lang. (REGGEE BONOAN)