Buo ang tiwala ni Liberal Party (LP) senatorial bet Leila de Lima sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) na hindi ito gagawa ng hakbang na ikasisira ng kanyang pangangampanya kahit pa nakabangga ng dating kalihim ang naturang sekta.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang kampo ni De Lima na inatasan umano ng liderato ng INC ang mga miyembro nito na huwag siyang iboto kapalit naman ng suporta sa mga kandidato na tumatakbo sa lokal na posisyon.

“Tungkol sa impormasyon na ‘di umano’y iniuutos ng Iglesia sa mga local candidate na ilaglag daw ako o huwag isama sa sample ballot…hindi ako naniniwala dito. At kung totoo man ito, I think it’s unfair. Sana naman ay hayaan na lang nila na magpasya ang mamamayan kung karapat-dapat talaga ako sa kanilang pagtitiwala,” ani De Lima.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni De Lima at ng INC noong nakaraang taon, subalit sinabi ng dating kalihim na naayos na ito. (Leonel Abasola)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente