ROME – Sa kanyang pagtanggap ng pagkilala para sa pagsusulong ng pagkakaisa sa Europa, hinimok ni Pope Francis ang mga pinuno ng mga bansa na alalahanin ang mga ideyalismo ng mga nagtatag ng European Union, at umapela ng “update” sa nasabing ideyalismo sa kontinente sa panahon ng mass migration, malamyang ekonomiya, at pangamba sa terorismo.

Ang nakalipas ay maaaring magsilbing inspirasyon “to confront with courage the complex multipolar framework of our own day, and to take up with determination the challenge of ‘updating’ the idea of Europe”, sinabi ng Santo Papa sa mga European leader sa pagtanggap niya ng Charlemagne Prize. (NY Times)

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina