Kabuuang 12 laro ang nakatakdang sumambulat sa 2016 Philippine Superliga (PSL) Challenge Cup beach volleyball tournament ngayon, sa Sands SM By the Bay sa Mall of Asia.

Sisimulan ang aksiyon ganap na 7:30 ng umaga tampok ang pinakaunang salpukan sa pagitan ng RC Cola-Army B nina Jeannie Delos Reyes at Genie Sabas kontra Jasmine Alcayde at Angelica Dacaymat ng UE-Manila sa ikalawang edisyon ng torneo.

Susundan ito ng salpukan sa pagitan ng pares nina Maica Morada at Ces Molina ng Petron Sprint 4T kontra kina Florence Madulid at Pauline Genido ng Philippine Navy-B sa ganap na 8:15 ng umaga, bago ang ikatlong laban ng pares nina Cherry Rondina at Patty Orendain ng Foton kontra kina Aileen Abuel at Princess Listana ng Accel.

Sasagupain nina Jonafer San Pedro at April Ross Hingpit ng Meralco ang tambalan nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng FEU-Petron bago harapin nina Sheila Pineda at Aiza Maizo-Pontillas ng Petron XCS ang tambalan nina Shaira Hermano at Niella Ramilo sa Mapua .

Coach Topex, umalma matapos daw tawaging ‘iskwater’ sa komosyon nila ng UP

Makakatapat ng Navy A nina Norie Jean Diaz at Pau Soriano sa una nitong laro ang pares nina Delos Reyes at Sabas ng Army B na sasabak sa ikalawa nitong laban ganap na 11:00 ng umaga.

Magpapahinga sandali bago magbalik ganap na 1:00 ng hapon ang aksiyon sa pagitan nina San Pedro at Hingpit ng Meralco kontra Cignal Team Awesome nina Vhima Condada at Mary Grace Berte. Magbabalik din sa ikalawa nitong laro ang FEU Petron kontra sa Petron Sprint sa ganap na 3:00 ng hapon.

Susundan ito sa unang pagsabak nina Danica Gendrauli at Aby Maraño ng F2 Logistics kontra sa tambalan nina Morada at Molina ng Petron Sprint na susundan ng pagbabalik para sa kanilang ikalawang laban na Foton nina Rondina at Orendain kontra sa Mapua nina Hermano at Ramilo.

Magkakasagupa muna ang Accel Quantum Plus nina Abuel at Lista na makakatapat naman ang pareha nina Pineda at Pontillas ng Petron XCS bago ang tampok na laro sa pagitan ng kinukonsiderang team to beat na pares nina Juvelyn Gonzaga at Nerissa Bautista ng RC Cola Army-A kontra kina Vhima Condada at Mary Grace Berte ng Cignal. (Angie Oredo)