Sa kabila ng kabiguang natamo sa Asian Cup qualifying, patuloy ang arangkada ng Philippine men’s football team Azkals sa world ranking.

Sa pinakabagong resulta na inilabas ng International Football Federation (FIFA), nakamit ng Azkals ang bagong all-time high na 115th , arangakada ng 19 na puwesto mula sa dating kinalalagyan.

Ang matikas na pagsirit sa ranking ay bunga ng matikas na kampanya ng Azkals sa World Cup/Asian Cup second-round qualifying campaign, kung saan tinapos ng Pinoy booters ang kampanya sa impresibong 3-2 panalo kontra sa two-time World Cup veteran North Korea noong Marso.

Bunsod ng bagong ranking, nakamit muli ng Pilipinas ang pedestal sa Southeast Asia at ika-16 sa Asia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanatili namang hawak ng Argentina ang pangunguna, kasunod ang Belguim, Chile, Colombia, at Germany.

Kamakailan, muling lumagda ng bagong dalawang taong kontrata si American coach Thomas Dooley para manatiling coach ng Azkals.

“I’m looking forward to two more years,” pahayag ni Dooley.

“I always said I wanted to stay.”