Nais ni Alyssa Valdez na makapagpasalamat sa mga fans na sumuporta sa kanya at sa larong volleyball, matapos ang kanyang limang taong makulay at matagumpay na UAAP career.

Kabalikat ang local volleyball organization na Crosscourt PH, inilunsad ni Valdez sa tulong ng PLDT Home Ultera ang kanyang skills camp noong Miyerkules ng hapon, sa Frazzled Cook.

“After [UAAP] volleyball life goes on, we can’t stop after UAAP,” ayon kay Valdez. “It was a really good season for everyone, unfortunately we lost and I have to focus now on helping the sport.”

“I really want to reach out to kids and all the volleyball supporters, this is the right time to say ‘thank you’ for the last five years of playing volleyball in the UAAP for Ateneo.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsimula kahapon ang unang yugto ng skills camp na bahagi ng crosscourt sa STI Academic Center sa Calamba, Laguna.

Pagkatapos ng Laguna leg na magsasara sa Sabado- Mayo 7, isusunod ang second leg sa STI Academic Center Cubao sa Mayo 10-14 bago ang ikatlong yugto na gaganapin sa probinsiya ni Valdez sa Batangas sa Mayo 16-18 sa University of Batangas kung saan inaasahan niyang makakasama ang mga kapwa Batangueña na sina Kim Fajardo at Jhoana Maraguinot.

Idaraos ang huling yugto sa STI Academic Center Ortigas-Cainta, Rizal sa Mayo 19-21.

Ayon kay Valdez, lilimitahan nila hanggang 300 ang lahat ng kalahok sa bawat camp para matutukan nila ng husto ang pagsasanay sa mga bata.

“We’re trying to limit each class, para matutukan ang mga bata,” ayon kay Valdez.

Ang skills camp ay bukas para sa mga batang may edad na 6 - 12 taon, 14 -18 taon at sa lahat ng mga gustong lumahok na mas matanda sa 18 taong gulang. (Marivic Awitan)