Inakusahan ng vice presidential bet na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang administrasyon na umano’y nasa likod ng pagmamanipula sa iba’t ibang survey bilang paghahanda sa umano’y malawakang pandaraya sa eleksiyon sa Lunes.

Pumalag din si Marcos sa datos sa Commission on Elections (Comelec) information sheet na nag-aalipusta sa kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at sa kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.

“May impormasyon kami na nakalagay daw sa Comelec information sheet na ang aking ina ay Ilocos Sur First District Representative at ang aking ama naman ay ‘deposed dictator.’ Parang mali naman ‘ata ito,” ani Marcos.

Nagtataka rin si Marcos kung bakit sa huling dalawang linggo bago ang halalan ay nag-iba na ang resulta ng mga survey at pumapabor na sa mga pambato ng administrasyong Aquino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa nakaraang survey, nalagpasan na ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, si Marcos at ang ibang kandidato sa pagka-bise presidente, habang nasa ikalawang puwesto na sa presidential survey ang katambal ni Robredo na si Mar Roxas, kasunod ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

“This is clearly an attempt to trend. Niloloko nila ang tao sa pamamagitan ng mga survey na iba, na hindi kapani-paniwala ‘yung mga kanilang numero. Baka ito ang unang hakbang sa pandaraya,” ani Bongbong. (Leonel Abasola)