NANANATILING No.1 sa survey si presidential front-runner Rodrigo Duterte, nakakuha ng 33 porsiyento, sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN.

Habang papalapit na nang papalapit ang eleksiyon, nanawagan si Pangulong Aquino III, Catholic Church leaders, at business groups sa mga botante.

At ito ay pakinggan mabuti ang hinaing ng bawat isa.

Inanunsiyo ng Pulse Asia, sa pamamagitan ng ABS-CBN, na sa pinakabagong survey (Abril 27-29) ay nakakuha ang mga sumusunod na kandidato sa pagkapangulo ng: Mayor Duterte, 33 %; DILG Sec. Mar Roxas, 22%; Sen. Grace Poe, 21%; Vice Pres. Jojo Binay, 17%; at si Sen. Miriam Defensor-Santiago, 2%.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pagdating naman sa pagka-bise president, nanguna si Rep. Leni Robredo na may 30%; sinundan nina Sen. Bongbong Macos Jr., 28%; Sen. Chiz Escudero, 18%; Sen. Alan Cayetano, 15%; Sen. Gringo Honasan, 3%; at Sen. Antonio Trillanes, 2%.

Hinimok ni Pangulong Aquino, sa kanyang huling minuto sa pangangampanya, ang mga botante na piliin ang mga susunod na pinuno base sa kanilang kuwalipikasyon, karanasan, integridad, at hindi base sa kasikatan.

Dahil kung hindi, liliko lamang pabalik ang bansa mula sa maayos na pamahalaan at maunlad na ekonomiya kung pipiliin lamang ng mga botante ang “popular, can sing or shock the nation,” paalala ni PNoy.

Sinabi ng Pangulo na sa halip na makipagsapalaran, ang presidential duo ng Liberal Party na sina Roxas at Robredo ay mapagkakatiwalaan, siguradong ipagpapatuloy ang nasimulan ng “Daang Matuwid” ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, sinabi ni Roxas na ang matinding suporta na kanyang natatanggap, ang kanyang political machinery, at ang kung tawagin ay Silent Mojority ang magdadala sa kanya sa tagumpay.

“The momentum is with us because while all the other (bets) experienced a decline in survey, mine is going up,” pahayag ni Roxas.

Naging kumpiyansa naman si Poe na siya ang iboboto ng mga tao base na rin sa mga naunang survey result.

Kumpiyansa rin si Vice President Binay sa pagkakaroon ng “core supporters” na siya ang mananalo sa laban.

“I will win. Sorry for my deserters,” sambit ni Binay.

Habang hindi naman naniniwala si Sen. Miriam sa mga naglalabasang survey dahil, aniya, siya ang nangunguna sa mga campus survey kaya’t imposibleng siya ang kulelat sa karera. (Fred M. Lobo)