Iniuwi nina top seed Israelito Rilloraza at 2nd seed Woman International Master Allaney Jia Doroy ang korona sa 15 and below boy’s and girl’s divisions sa pagwawakas ng limang araw na 2016 National Schools and Youth Chess Championships (1st Leg), sa Philippine Sports Commission National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila, nitong Miyerkules.

Winalis ni Rilloraza ng Parañaque City ang limang karibal tungo sa pagwawagi sa kanyang kategorya na nilahukan ng 21 woodpushers, habang nagkasya sa pangalawa’t pangatlo sina 4th seed John Kenneth Gelua (4.0 pts.) at 10th seed Francis Roi Parro (3.5).

Nagtipon naman ang veteran internationalist na si Doroy ng 4.0 pts upang magwagi sa 19 na sumabak sa kategorya na sinegundahan at tinerserahan nina top seed Jesca Docena (4.0 pero natalo sa tiebreak points sa una), at fourth seed Jamaica Marie Lagrio (3.5).

Nanguna sa 25-player boys & 14-player girls U13 sina 2nd seed Justine Diego Mordido (4.5), 4th seed Christopher Khalil Kis-Ing (4.0) at 16th seed Carl Andrew Lobo (3.5), at sina 2nd seed Natasja Jasmine Balabbo (4.5), 7th seed Rohanisah Buto (3.5) at 4th seed Oryza Reign Rapato (3.5).

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagkampeon sa boys U11 na may 24 na sumali sina 2nd seed Robert James Perez 4.5) kasunod si 6th seed Mckertzee Gelua (4.0) sa ikalawa, at top seed Del Emerson dela Cruz ng Silang, Cavite (4.0) na ikatlo habang sa girls na may 12 entries ay wagi si No. 5 Lorryn Ngo (4.0), Mo. 4 Criswen Falamig (3.5) at Ma. Chrsitina Samarita (3.5).

Ang top three winners sa boys U9 na may 16 ang naglaban sina top seed Karlycris Carito, Jr. (4.0), 2nd seed Cedric Kahlel Abris (4.0) at 3rd seed Vladimir Chester Romero (3.5) samantalang sa siyam na kasaling girls ay sina no. 4 Alysah Buto (5.0), no. 1 Daren dela Cruz ng Cavite (3.0) at no. 9 Hannah Melody Custodio (3.0). (Angie Oredo)