ISULAN, Sultan Kudarat – Nagpahayag ng pangamba ang ilang lokal na kandidato sa mga bayan ng Shariff Aguak, Sultan sa Barongis, Mamasapano, General SK Pendatun, at Rajah Buayan, na pawang nasa ikalawang distrito ng Maguindanao, sa posibilidad na magkaroon ng dayaan sa eleksiyon mula sa panig ng mga nasa puwesto, bukod pa sa inaasahang pananakot sa mga residente ng mga armadong grupo.

Anila, sa kabila ng presensiya ng militar at pulisya para tiyakin ang kapani-paniwala at payapang halalan, nananatili ang kanilang agam-agam na magkakaroon ng dayaan sa eleksiyon sa Lunes.

Ang pananakot naman sa mga residente, anila, ay gagawin ng iba’t ibang armadong grupo na kaanak umano ng mga kumakandidato.

Kaugnay nito, kinumpirma ng pamunuan ng 1st Mechanized Brigade, sa ilalim ni Col. Fel Budiongan, at ni 501st Brigade Commander Col. Cirilito Sobejana, na totoong banta sa magiging seguridad ng halalan ang isyu sa mga private army, pero iginiit na napaghandaan na nila ito.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga opisyal ng lokal na Commission on Elections (Comelec) sa nabanggit na mga bayan tungkol sa pinangangambahanng magkakaroon ng dayaan—na para sa ilang matagal nang residente ay karaniwan na lang tuwing halalan. (Leo P. Diaz)