Inilunsad kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Na-Huli-Cam Ka Ba” online project bilang bahagi ng ipinatutupad na No-Contact Apprehension Policy ng ahensiya.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, layunin ng proyekto na maging patas at malinaw ang nasabing polisiya at maging madali ang pagberipika ng mga motorista kung sila ay may nagawang paglabag sa batas trapiko.

Upang mabatid kung ikaw ay nahuli ng camera na lumabag sa batas trapiko, maglog-on sa www.mayhuliba.com, isulat ang plaka ng iyong sasakyan at lalabas dito kung mayroon kang nagawang paglabag.

Sa ilalim ng no-contact policy, ang mga high tech closed circuit television camera ang manghuhuli sa mga pasaway na motorist. Kukunin ng CCTV ang plaka ng sasakyan para beripikahin sa Land Transportation Office upang matukoy ang may-ari o operator ng behikulo at padadalhan ng summon at traffic violation receipt.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists